love & marriage
in the spirit of Holy Week, nagbabalik serbisyo ako sa simbahan namin. tagal ko rin nawala, kaya halos lahat ng tao walang balita tungkol sakin. at ganito ang tinakbo ng mga usapan:
sabi ng mga kaibigan ko sa choir, "uy, tagal natin di nagkita.kumusta na? how’s your love life?" sagot ko naman, "wala na. i’m single." tapos lahat sila, "whaaaat???? what happened? nasan na siya??? (apparently, kilala kasi nila)" sabi ko, "tagal na. nung December pa. nasa outer space na siya. well, it just happened and don’t worry, i’m fine. over na noh! (shempre with semi-kwento pang kasama)"
tapos sabi ni Ate Bunny, isa pang taga-simbahan with matching beso-beso, "uy, buti nandito ka ulit. may asawa ka na ba?" sabi ko naman, "ate naman, ilang taon lang ba ako???" sabay alis ni ate. di ko nga alam kung kilala pa ba niya talaga ako o namukhaan niya lang ako as someone from the past.
sabay lapit naman ni Ate Badette, barkada ng ate ko sa simbahan din, sabi niya: "uy ang galing mo mag-salmo. may asawa ka na ba? (parang may connection)" sabi ko naman, "ate, 23 lang ako no.wala nga akong boyfriend, asawa pa!" tapos sabi niya, "ako nga 21 nag-asawa. pero tignan mo naman ang produkto (sabay turo sa dalagitang anak niya)."
pag-uwi sa bahay, bumisita naman mga dati naming kapitbahay na US based na. sabay kumusta, "o nasaan na yung boyfriend mo?" sabi ko, "wala na noh, tagal na.single blessedness ang statement ko ngayong holy week." sabi niya, "ha??? e di ba nasa friendster mo pa yung pics niyo?" sabi ng nanay ko, "oo, 4 years din sila." sabi ko, "sos, matagal ko nang binura.ibang pics na yung nakalagay dun ngayon." sabi niya, "ay ganun, tagal ko na kasi di nag-check. so next time pag may ibang pic na ibig sabihin meron ka na ulit?" sabay ngisi.
and they say its "GOOD" Friday. hahahahahaha. nakakatawa, parang either mukha akong happily married o desperate for a boyfriend. sobrang extremes, wala man lang middle ground. casual-casualan ang mga usapan!
anubaaaaaaa. i’m SINGLE. and SANE. and enjoying every minute of it. so don’t worry, you guys, may panahon din para diyan, hintay lang kayo sa susunod na kilig kwento ko. ;p
April 30th, 2007 at 10:19 am
Hehehe.. Natawa ako sa post mo. I have experienced that a lot. Some people pa would ask as if they have the right to know (and judge) your lovelife =) As if being married is the ultimate goal in life. Now when people ask me kung may bf ako, ang sagot ko “boyfriends” hehehe